Airstrike sa Lake Lanao, inilunsad ng militar

By Rohanisa Abbas September 28, 2017 - 06:23 PM

Naglunsad ang militar ng airstrike sa Lake Lanao makaraang mamataan ang mga hinihinalang myembro ng Maute terror group sa lugar.

Namataan ang mga armadong kalalakihan sakay ng malaking bangka at tatlong maliliit na bangka sa Isla ng Balt sa Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur.

May layo itong 20 kilometro sa Marawi City.

Ayon sa militar, namataan ng mga residente ang mga armadong kalalakihan.

Posible umanong reinforcement ito ng grupo na naiipit sa main battle area sa Marawi City. Nagpapatuloy ang operasyon ng militar sa lugar.

TAGS: Bacolod-Kalawi, Lake Lanao, Lanao Del Sur, Marawi City, Bacolod-Kalawi, Lake Lanao, Lanao Del Sur, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.