Isang construction worker, patay sa pamamaril sa Caloocan City

By Justinne Punsalang September 28, 2017 - 04:24 AM

Dead on the spot ang isang lalaking construction worker matapos itong pagbabarilin sa Santan Street, Barangay 175 sa Camarin sa lungsod ng Caloocan.

Kinilala ang biktima na si Rolando Binibini, apatnaput pitong taong gulang at residente sa naturang lugar.

Ayon sa mga residente sa lugar, bagong lipat lamang doon si Binibini kaya hindi pa nila ito gaanong kakilala.

Batay sa paunang impormasyon mula sa mga otoridad, naglalakad lamang si Binibini sa kahabaan ng Santan Street nang biglang pagbabarilin ito ng riding in tandem.

Samantala, narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ng hindi bababa sa apat na basyo ng kalibre cuarenta y singkong baril.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad tungkol sa pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.