WATCH: Tatlo ang patay sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Malolos, Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio September 27, 2017 - 08:58 AM

Patay ang tatlong drug suspects matapos na manlaban umano sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Malolos, Bulacan, Miyerkules ng umaga.

Sa isinagawang operasyon sa Malanggam Road, Barangay Bulihan, patay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos na makipagbarilan umano sa mga otoridad.

Nagpanggap nabibili ng shabu ang isang pulis sa halagang P5000 pero pinaputukan umano sila ng mga suspek nang matunugang pulis pala ang katransaksyon.

Ayon kay Malolos police chief Heryl Bruno, nasa drugs watchlist ang dalawang nasawi na sina Andrew “Pito” Santiago at Lynard Crisostomo.

Nakuha mula sa dalawa ang baril, granada, limang plastic ice bag at 11 sachet na may laman ng hinihinalang marijuana, at walong maliliit na sachet ng hinihinalang shabu.

Si Crisostomo ay nagtatrabaho bilang gwardya ng isang pawnshop.

Samantala, sa kabilang barangay na Pinagbakahan patay rin ang isang drug suspect na si Marvin Lontoc.

Ito ay makaraang mauwi sa engkwentro ang drug buy-bust operation ng mga otoridad laban sa nasabing suspek.

Dati nang sumuko si Crisostomo sa mga otoridad pero bumalik sa ilegal niyang gawain.

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust, drugs, malolos bulacan, Radyo Inquirer, buy bust, drugs, malolos bulacan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.