Kapitan ng barangay at isa pa, patay sa pamamaril sa Zamboanga

By Kabie Aenlle September 27, 2017 - 04:10 AM

 

Patay ang dalawa katao, kabilang na ang isang barangay captain, habang dalawang iba pa ang nasugatan sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Liloy, Zamboanga del Norte.

Kinilala ni Western Mindanao Police chief Senior Supt Billy Beltran ang mga nasawing biktima na sina Barangay Mucas chairman Philip Dagurayan Malon at Edgar Vincent Lagare na parehong mula sa bayan ng Salug.

Tinukoy naman ng pulisya ang dalawang sugatan na sina Ava Lagare at Earl Acas.

Ayon sa pulisya, pumunta ang apat sa isang hindi pa tapos na gusali na pag-aari ni Konsehal Marjohn Bihag.

Nakatakda umano nilang katagpuin ang isang Marichu Acas sa lugar na iyon, nang biglang dumating ang mga armadong lalaking sakay ng motorsiklo at pinaputukan sila.

May mga nakakita pa kay Malon na sinubukang tumakas ngunit hinabol siya ng mga suspek at ilang beses na pinaulanan ng bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.