Pulis patay sa zipline ng Laresio Resort sa Laguna

By Jay Dones, Mark Makalalad September 27, 2017 - 04:11 AM SHARE(S):

 

Patay ang isang naka-day off na pulis makaraang maputol ang ‘zipline’ na sinakyan nito at mahulog sa tubig sa loob ng isang resort sa Los Baños, Laguna.

Nakilala ang nasawing biktima na si PO1 Andrew Tamayo, 32-anyos na makaraang mahulog sa zipline ng Laresio Lakeside Resort & Spa sa Bgy. Tadlac, Martes ng hapon.

Ayon kay Supt. Arvin Avelino sa panayam ng Inquirer, kasama ng pulis ang kanyang girlfriend at nagsasaya sa naturang resort nang maisipan nitong sumakay sa zipline.

Gayunman, habang nasa kalagitnaan ng zipline, biglang naputol ang bakal na kable nito kaya’t tuluyang nahulog ang pulis sa gitna ng lawa.

Bagama’t may suot na lifevest, inabot ng 15 minuto bago narescue ng mga lifeguard ang biktima.

Bagama’t nadala pa sa pagamutan, hindi na nagawa pang maisalba ng mga doktor ang buhay ng biktima.

Isasalang sa kaukulang otopsiya ang bangkay ng pulis upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.

Bigo naman na magbigay ng pahayag ang management ng Laresio Resort and Spa kaugnay sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.