Patricia Bautista naghain ng disbarment case laban kay UST dean Nilo Divina at 20 iba pa

By Ricky Brozas September 26, 2017 - 12:18 PM

Dumulog sa Korte Suprema ang dating maybahay ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Sa pagkakataong ito ay hinihiling ni Patricia Bautista na mapawalang-bisa ng lisensya sa pagka-abugado ni UST Dean Nilo Divina at dalawampung iba pang mga kasamahan nito sa Divina law firm.

Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan ay isinumite ni Patricia ang reklamo sa dahilang nilabag umano ni Divina ang code of professional responsibility dahil sa pakikipagsabwatan sa kaniyang mister sa korapsiyon.

Hindi naman kasama sa reklamo ang Comelec chairman sa dahilang may immunity fromn suit si Bautista bilang isang impeachable official.

Nag-ugat ang reklamo nang madiskubre ni Patricia ang mga bank at real property documents na nakapangalan umano sa kanyang asawa at mga kamag-anak na hindi naman nakasaad sa SALN o Statement of Assets and Liabilities nito na nagkakahalaga ng 1 billion pesos.

Maliban sa mga undeclared assets, una nang sinabi ni Patricia na may mga tseke siyang nadiskubre at commission sheets na inisyu ni Divina sa pangalan ni Bautista at mga miyembro ng kanyang pamilya.

Iyon umano ay galing sa komisyon ni Bautista sa Divina law dahil sa pag-asiste sa mga kliyente ng Comelec.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Divina Law Firm, Nilo Divina, Patrici Bautista, Radyo Inquirer, Divina Law Firm, Nilo Divina, Patrici Bautista, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.