WATCH: Dalawang lalaki, arestado sa drug buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang September 26, 2017 - 10:55 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos ang ikinasang buy bust operation ng Quezon City Police District Station 3 sa Barangay Talipapa, sa lungsod Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Reymar Maño, tatlumput isang taong gulang at at Mario Miculob, limampu’t limang taong gulang na kapwa residente rin ng Mendez Street sa Barangay Baesa.

Nasabat mula sa dalawa ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at dalawan daang pisong buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa detention facility ng QCPD Station 3.

Samantala, dumating sa himpilan ng mga pulis ang mga kamag-anak ni Maño upang ipakiusap na pakawalan ito. Ngunit paliwanag ng mga otoridad, ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho bilang mga pulis.

Ayon sa truck driver na si Eugene Madrona, galing sila sa Bataan at papunta na ng Pier para magbaba ng kargamento.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust operation, metro news, QCPD, quezon city, Radyo Inquirer, buy bust operation, metro news, QCPD, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.