Tatay ni Ralph Trangia susuko na sa MPD

By Den Macaranas, Jong Manlapaz September 25, 2017 - 07:28 PM

Hinihintay sa headquarters ng Manila Police District ang paglutang ng tatay ni Ralph Trangia, isa sa mga miyemembro ng Aegis Juris Fraternity at iniuugnay sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sinabi ni MPD Director na posibleng maharap din sa kaso si Antonio Trangia ang ama ni Ralph dahil sa pagtatago ng isang kulay pulang Mitsubishi Pickup na sinasabing naghatid sa Chinese General Hospital ng katawan ng biktika ng hazing.

Noong September 19 ay tumakas palabas ng bansa ang nakababatang Trangia kasama ang kanyang ina base sa kuha ng CCTV sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Sinasabing nasa Chicago ngayon si Trangia at nagpahatid na rin ng kahandaang sumuko sa pamunuan ng MPD.

Sa kanyang panig, sinabi ni Coronel na anim na miyembro pa ng Aegis Juris ang kanilang iniimbestigahan kaugnay sa pagkamatay ni Castillo.

Si Castillo ay namatay makaraang dumalo sa “welcoming rites” ng Aegis Juris Fraternity.

TAGS: castillo, hazing, MPD, red pickup, trangia, UST, castillo, hazing, MPD, red pickup, trangia, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.