Most wanted personalities sa Paranaque City huli ng PNP

By Jong Manlapaz September 25, 2017 - 04:32 PM

Radyo Inquirer

Iniharap sa mga miyembro ng media ng Paranaque City PNP ang Top 1, 2, 4, 7 at 10 most wanted personalities sa lungsod makalipas ang dalawang linggo nitong operasyon.

Ayon kay Paranaque City Police Chief S/Supt. Leon Victor Zamora Rosete, unang naaresto ang top 4 wanted personality na si Francis Bernal, 36-anyos at residente ng No.158 Purok 1, Silverio Compound, Brgy. San Isidro.

Si Bernal ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa RA 9165 o pag-iingat ng iligal na droga at kasong pagnanakaw.

Sunod na naaresto sa P. Dandan St. Corner Bonifacio, Brgy. San Dionisio, Paranaque City, ang top 10 most wanted person ng lungsod na si Vicente Cepeda, para sa kasong attempted homicide sa MTC Branch 90, Paranaque City.

Involved din ang suspek sa iba’t ibang ilegal activity sa Brgy. San Dionisio, Paranaque City.

Sumunod na araw arestado naman ang top 7 wanted na si Jonathan Soriano, alyas Totoy Joker, 21-anyos, residente ng Creekside Lopez, Brgy. San Isidro, Paranaque City sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Belen Salespara- Carasig ng MTC Branch 88, para sa kasong theft and robbery.

Si Bernal ay sangkot umano sa serye ng pagnanakaw sa kanilang Barangay.

Naaresto rin sa Emilio Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. Le Huerta ang top 2 wanted person na si Lemford de Lara mayroon ring kasong pagnanakaw.

Ang number 1 most wanted person naman sa Paranaque City na si Johnven Arnaiz ay naaresto sa kanilang bahay sa BF Homes Paranaque City dahil sa pagbebenta ng shabu.

TAGS: Most wanted, paranaque city, PNP, Most wanted, paranaque city, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.