11 katao patay sa sunog sa China

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2017 - 12:39 PM

Patay ang labingisang katao sa sunog na naganap sa Tiazhou City sa China.

Tinupok ng apoy, Lunes ng umaga ang dalawang bahay sa Taizhou sa Zhejiang province na ikinasawi ng labingisang katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Sa mga nasugatan, dalawa ang seryoso ang kondisyon sa pagamutan bahang sampung iba pa ang nagtamo ng minor injuries.

Naganap ang sunog pasado ala unang madaling araw.

Nitong nagdaang mga taon, madalas nakapagtatala ng deadly fires sa Taizhou.

Noong 2007, nasa 17 katao ang nasawi nang masunog ang isang gusali na mayroong mga shops at apartments sa nasabing ring lugar.

Taong 2014 naman, 16 ang patay nang masunog din ang shoe factory sa nasabi ring lungsod at 18 naman ang nasawi noon lamang Pebrero ng kasalukuyang taon sa sunog sa isang foot massage parlor.

 

 

 

 

 

TAGS: 11 killed, fire incident, Tiazhou City China, 11 killed, fire incident, Tiazhou City China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.