Manila Mayor Joseph Estrada, may slipped disc

By Isa Avendaño-Umali September 25, 2017 - 12:24 PM

Mayroong slipped disc si dating pangulo at ngayo’y Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Kinumpirma ni dating Senador Jinggoy Estrada ang karamdaman ng ama, na aniya ay kailangang sumailalim sa therapy sessions.

Sa kabila nito, sinabi ni Estrada na wala namang dapat na ipag-alala sa kalagayan ng ama, at sa katunayan ay nagagampanan pa rin nito ang trabaho bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.

Samantala, may mensahe naman si Estrada para sa kaarawan ng kanyang kaibigan at dating kasamahan sa Mataas na Kapulunan na si dating Senador Bong Revilla.

Ayon kay Estrada, maligayang bati sa kanyang “kumpare, matalik na kaibigan at dating kakosa.”

Kapwa nahaharap sa patong-patong na kaso sina Estrada at Revilla dahil sa pork barrel scam.

Gayunaman, pinagbigyan ng Sandiganbayan ang motion for bail ni Estrada kaya pansamantala siyang nakalalaya, habang si Revilla ay nananatiling nakadetine sa detention facility sa Kampo Krame.

Si Estrada ay nasa Sandiganbayan kanina umaga para sa unang araw ng pagdinig sa graft case nito, kaugnay pa rin sa pork barrel scandal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: disc, jinggoy estrada, joseph estrada, manila mayor, slipped, disc, jinggoy estrada, joseph estrada, manila mayor, slipped

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.