Duterte, inamin na na-ospital dati dahil sa hazing

By Mariel Cruz September 24, 2017 - 03:12 PM

FILE PHOTO

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dati na siyang itinakbo sa ospital matapos sumailalim sa hazing.

Ayon kay Duterte, matapos siyang sumailalim sa hazing at umuwi kaagad siya at nagpa-ospital dahil sa massive hematoma.

Pero hindi naman binanggit ng pangulo kung ang naturang hazing ay bahagi ng initiation rites para sa mga bagong recruit ng kanyang fraternity na Lex Talionis sa San Beda College.

Sinabi ni Duterte na mas malupit ang mga miyembro ng fraternity sa mga recruit na anak ng mga malalaking personalidad.

Noong ni-recruit aniya siya ay tinanong siya kung anak siya ng namayapang Davao Governor na si Vicente Gonzales Duterte.

Ibinahagi ni Duterte ang kanyang karanasan sa hazing sa gitna ng mga panawagan laban sa pagkamatay ni Horacio Castillo III na law student sa University of Sto Tomas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.