Sasakyan ng isang doktor, bumangga sa isa pang sasakyan sa Laloma, Quezon City

By Justinne Punsalang September 24, 2017 - 03:03 AM

Bumangga ang sinasakyang pulang Toyota Vios na may plakang AGA 2702 ng isang doktor sa isang itim na Mitsubishi Montero Sport na may conduction number na LI 6331 sa La Loma, Quezon City.

Kinilala ang driver ng Toyota Vios na si Dra. Michaila Dominguez Dela Cruz, isang doktor sa Quezon City General Hospital, habang isang Michael Chua naman ang driver ng Montero Sport.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula kay PO3 Jessie Torre ng Traffic Sector 1, nakahinto si Chua sa traffic light sa V. Mapa Street nang sumingit si Dela Cruz matapos mag-berde ang traffic light.

Sa lakas ng impact ng pagbangga ay nagawang umikot ang sasakyan ng doktor. Nasira rin ang bumper ng dalawang sasakyan dahil pa rin sa lakas ng banggaan.

Bagaman walang sugat na natamo si Dela Cruz ay isinugod pa rin ito sa St. Luke’s Medical Center.

Napag-alaman namang papasok pa lamang sa Quezon City General Hospital si Dela Cruz nang maganap ang aksidente

TAGS: Car accident, la loma, quezon city, Car accident, la loma, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.