TINGNAN: Nakakakilig na proposal ni Joshua Garcia kay Julia Barreto para makadate sa Star Magic Ball

By Rhommel Balasbas September 24, 2017 - 02:33 AM

Screen grabbed mula sa video

Kilig na kilig ang mga netizens sa isang video na inupload sa Facebook ukol sa ginawang proposal ni Joshua Garcia para lang makadate si Julia Barreto sa Star Magic Ball.

Kumuha pa ng isang choir si Garcia upang haranahin si Barreto ng isang kanta ni Ed Sheeran na “Perfect”.

May hawak pa ang members ng choir ng cards na may nakalagay na “Will U Be My Date”.

Samantala, kitang-kita naman ang pagkakilig ng dalaga na tila ay namumula pa at hindi mapigilan ang ngiti.

Lalo pang nagpakilig sa aktres ang biglang paglabas ni Garcia mula sa kanyang likuran habang may hawak na rosas dahilan upang yakapin niya ang aktor.

Usap-usapan na “officialy in a relationship” na ang dalawa ngunit hindi pa naman nila ito inaamin.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 4.2 million ang views ng video, may 213,000 reactions, 120,000 shares 53,000 comments.

TAGS: JoshLia, Joshua Garcia, Julia Barreto, Star Magic Ball, JoshLia, Joshua Garcia, Julia Barreto, Star Magic Ball

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.