Mga militanteng mula sa Southern Tagalog, nagsasagawa ng protesta gate 4 ng Camp Aguinaldo

By Mark Gene Makalalad September 21, 2017 - 12:32 PM

Kinalampag ng mga militang grupo mula Southern Tagalog ang Gate 4 ng Camp Aguinaldo.

Alas 9:00 pa lamang ng umaga, nakahalera na ang mga nagkilos protesta.

Ayon sa grupo, kinokondena nila ang tila mala diktadurya na pamamaplakad ng Duterte administration.

Tila kasi nagiging katulad na umano ito ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Pagigiit nila, dahil sa martial law sa Mindanao at war on drugs ng pamahalaan, parami na ng parami ang nabibiktima nang pang-aabuso sa karapatang pantao lalong lalo na yung mga mahihirap at maliliit na tao.

Ipinunto rin ng grupo ang mga political detainees na hindi pa rin nakakalaya sa ngayon kung saan 54 sa mga ito ay mula Timog Katagalugan.

Matapos ang programa sa Camp Aguinaldo nagtungo na sa University of Santo Tomas ang grupo sakay ng nasa 30 arkiladong jeep.

 

 

 

 

 

TAGS: Camp Crame, southern tagalog, Camp Crame, southern tagalog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.