Bautista nagpasalamat sa mga kongresista na naibasurang impeachment complaint

By Jan Escosio September 20, 2017 - 03:56 PM

Radyo Inquirer

Pinuri ni Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista ang House committee on Justice dahil sa patas na pag-trato sa impeachment complaint na inihain laban sa kanya.

Ayon kay Bautista dahil sa pagbasura sa impeachment complaint ay lubos na niyang masisimulan ang paglilinis sa kanyang pangalan sa mga malisyosong alegasyon sa kanya.

Giit nito, patunay lang na walang basehan at gawa-gawa lang ang mga alegasyon sa kanya ng kanyang misis na si Patricia Bautista hinggil sa mga tago niyang yaman.

Dagdag pa ni Bautista ngayon ay mas matututukan na niya ang kanyang mga trabaho sa Comelec lalo na ngayon wala pang linaw kung muling mauudlot o matutuloy na ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan.

Nauna nang sinabi ng opisyalna walang batayan ang mga maling bintang sa kanya at ito umano ay nakaka-apekto na sa kanyang buong pamilya lalo na sa kanyang mga anak.

TAGS: bautista, comelec, house justice committee, impeachment, Kamara, bautista, comelec, house justice committee, impeachment, Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.