Patricia Bautista dismayado sa nabasurang impeachment complaint sa kanyang mister

By Erwiin Aguilon September 20, 2017 - 03:33 PM

Photo: Erwin Aguilon

Dismayado ang dating maybahay ni Comelec Chairman Andres Bautista na si Patricia sa ginawang pagbasura ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban sa pinuno ng Comelec.

Ayon kay Mrs. Bautista, naniniwala siya na hindi pa naman dito natatapos ang kanyang laban.

Marami pa anyang paaraan upang habulin ang pananagutan ni Chairman Bautista at ito ang kanyang hahanapin.

Bagaman dismayado sinabi ni Ginang Bautista na iginagalang niya ang desisyon ng Justice Committee.

Umaasa naman si Atty. Lorna Capunan, abogado ni Mrs. Bautista na mababaligtad pa sa plenaryo ng Kamara ang desisyon ng komite.

Mangangailangan ng botong 1/3 ng mga kongresista upang maaligtad ang pasya ng House Committee on Justice sa kaso ni Chairman Bautista.

TAGS: andres bautista, comalec, impeachment, lrna kapunan, patricia bautiosta, andres bautista, comalec, impeachment, lrna kapunan, patricia bautiosta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.