5 ang patay sa aksidente sa Nasugbu, Batangas

By Mariel Cruz September 20, 2017 - 11:36 AM

Nasawi ang lima katao makaraang salpukin ng trailer truck ang isang van sa Nasugbu, Batangas.

Nabatid na galing sa isang exclusive subdivision ang van at patungo sana sa Maynila sakay ang limang pasahero nang maganap ang aksidente.

Tumagal pa ang labing apat na oras bago tuluyan marekober ng rescue team ang limang biktima sa loob ng van.

Ayon sa mga otoridad, posibleng nawalan ng kontrol sa manibela ang trailer truck habang binabagtas ang isang masikip at delikadong bahagi sa Barangay Aga, Nasugbu.

Nahila pa ng truck ang naturang van hanggang sa bumangga ito sa kabilang bahagi ng kalsada.

Sa limang pasahero ng van, isa dito ay babae na buhay pa nang inilalabas ng rescue team ang mga biktima pero binawian din ng buhay pagkadating sa ospital.

Nagtulong-tulong naman ang mga pulis, barangay officials, bumbero at Red Cross team sa pagrekober sa mga biktima.

 

 

 

 

TAGS: accident, Nasugbu Batangas, trailer truck, van, accident, Nasugbu Batangas, trailer truck, van

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.