Lalaki, patay sa pananaksak sa Navotas

By Justinne Punsalang September 20, 2017 - 08:21 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang lalaki sa JV Santos Street, Barangay Tangos, sa lungsod ng Navotas.

Kinilala ang biktima na si Emelson Marcelino, dalawampu’t siyam na taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad, napag-tripan umanong saksakin ang biktima matapos itong bumili ng sigarilyo.

Nagawa pa umanong tumakbo ni Marcelino ngunit binawian na ito ng buhay bago pa ito makarating sa kanyang bahay.

Samantala, blangko pa ang mga otoridad sa motibo ng pananaksak at sa pagkakakilanlan ng salarin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: metro news, Novaliches, quezon city, stabbing incident, metro news, Novaliches, quezon city, stabbing incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.