Trillanes: Wala akong bank deposit sa Singapore

By Ruel Perez September 19, 2017 - 08:37 PM

Video grab

‘No such account exist’

Ito umano ang tinuran ng teller ng bangko ng DBS o Development Bank of Singapore Alexandra branch ng magtungo doon si Sen. Antonio Trillanes upang beripikahin ang umanoy mga bank accounts niya.

Ayon kay Trillanes, iprinisinta nya sa teller ang kanyang passport kasama ang dalawang account numbers na galing umano kina Pangulong Rodrigo Duterte, Brodkaster na si Erwin Tulfo at Communications Asec. Mocha Uson.

Niliwanag pa ni Trillanes sa teller kung meron bang existing o kahit closed account na single o joint na may pangalang Antonio F. Trillanes IV o Antonio F. Trillanes pero wala rin umanong nakita ang teller sa database ng bangko.

Bigo din si Trillanes na matagpuan ang Hongkong Shanghai Bank, Raffles Branch gaya ng mga naunang alegasyon.

Kung meron man, natagpuan umano ni Trillanes kasama ang media ay ang Hongkong and Shanghai Banking Corporation o HSBC sa Raffles Blvd. pero ATM lang ang ang meron doon.

Pagdidiin ni Trillanes, maliwanag na nagsisinungaling si Duterte at gawa-gawa lang ang mga paratang laban sa senador na meron itong mga foreign bank accounts.

Dagdag pa ng mambabatas, ginagawa ito ng pangulo hindi lang para siraan siya kundi para mailihis ang atensyon ng publiko sa pagkakasangkot ng anak na si Vice Mayor Paolo Duterte sa illegal drug shipment at sa smuggling sa Bureau of Customs.

Muli ring hinamon ni Trillanes si Duterte na pumirna na sa isang waiver para makalkal ang kanyang mga deposito sa bangko at ng kanyang pamilya.

TAGS: bank accounts, duterte, singaporedbs, trillanes, bank accounts, duterte, singaporedbs, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.