Solano, na nagdala kay Atio sa ospital, posibleng miyembro din ng Aegis Juris Fraternity

By Len Montaño September 19, 2017 - 08:18 PM

FB photo

Posibleng miyembro ng Aegis Juris Fraternity ang lalaking nagdala umano kay hazing victim Horacio Castillo III sa ospital matapos itong makita sa bangketa sa Tondo, Manila.

Una nang sinabi ni John Paul Solano na nakita lang niya ang bangkay ni Castillo habang papasok siya sa San Lazaro Hospital.

FB photo

Pero sa nakalap ng Radyo Inquirer na mga litrato mula sa facebook, masasabing ka-brod ni Atio Castillo si Solano batay na rin sa mga larawan ng fraternity sa facebook sa magkakahiwalay na mga litrato sa Facebook account ng Aegis Juris Fraternity at posibleng mga miyembro nito ay makikita na kasama si Solano.

Sa nasabing mga Facebook pictures ay makikita si Solano na kasama ang ilang miyembro ng nasabing frat.

FB photo

Sa ilang larawan ay makikita ang ilang miyembro na may hawak na paddle at may litrato na may caption na Aegis Juris Fraternity UST na tila kinunan sa isang aktibidad o okasyon ng grupo.

Samantala, kaagad na dine-activate ng Aegis Juris ang kanilang Facebook page at maging ang mga indibidwal na FB accounts ng mga aktibong miyembro ng fraternity ay hindi na matagpuan sa Facebook.

FB photo

 

TAGS: aegis juris, castillo, facebook, hazing, solano, UST, aegis juris, castillo, facebook, hazing, solano, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.