WATCH: Mga labi ng UST law student na si Atio Castillo, nakalagak na sa Forbes, Makati

By Jan Escosio September 19, 2017 - 11:38 AM

Kuha ni Jan Escosio

Dinala na sa Forbes sa Makati City ang mga labi ng UST law student na si Horacio “Atio” Castillo III na nasawi dahil sa hazing.

Dumating sa Santuario De San Antonio, ang mga labi ni Castillo, Martes ng umaga.

Sa Capilla Del Señor gagawin ang burol sa law student.

Hinayaan naman ng mag-asawang Castillo na saglit na makapasok ang media sa Capilla para makuhanan ang mga labi ng kanilang anak.

Pero matapos iyon, hiniling na nila sa mga mamamahayag na bigyan sila ng pribadong oras at panahon.

Mayroon na ring abogado ang pamilya na haharap at magbibigay ng statement sa media.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: aegis juris, atio, Horacio Castillo III, law student, UST law school, aegis juris, atio, Horacio Castillo III, law student, UST law school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.