Malakanyang maglalabas ng paglilinaw hinggil sa suspensyon ng klase at pasok sa gobyerno sa Sept. 21

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2017 - 09:22 AM

Dahil walang malinaw at direktang impormasyon at anunsyo, nagdulot ng kalituhan sa publiko ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa suspensyon ng klase at pasok sa gobyerno sa September 21, araw ng Huwebes.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, ang tanging malinaw sa ngayon ay idineklara ni Pangulong Duterte ang Sept. 21 bilang “national day of protest” kasabay ng paggunita sa ika-45 anibersaryo ng martial law declaration.

Aniya, maglalabas pa ng written order ang Malakanyang hinggil sa posibilidad na class suspension at kanselasyon ng government work para sa nasabing petsa.

Ito ay para mas malinaw na mailatag ang anunsyo lalo pa at hindi naman idedeklarang holiday ang Sept. 21.

Paliwanag ni Andanar, kinakailangang linawin kung ang suspensyon ba ay sa Metro Manila lamang o nationwide.

Tiniyak naman ni Andanar na ngayong araw ay ilalabas ng palasyo ang written order para masagot ang mga katanungan ng publiko.

 

 

 

 

 

 

TAGS: class suspension, Martial Law, rodrigo duterte, september 21, work suspension, class suspension, Martial Law, rodrigo duterte, september 21, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.