Fr. Soganub, hiinimok na lumipat sa Islam ng kanyang mga terorista

By Jay Dones September 19, 2017 - 04:14 AM

Hinimok umano ng Maute group na may hawak kay Fr. Chito Soganub na mag-convert na ito sa Islam.

Ito ang isiniwalat ni ARMM assemblyman Zia Alonto Adiong matapos na mapalaya ang pari sa kamay ng mga terorista noong Linggo.

Ayon kay Adiong, ikinwento aniya ni Fr. Soganub na maayos naman ang naging trato sa kanya ng mga miyembro ng Maute habang ito ay bihag.

Gayunman, may mga pagkakataon aniyang pinagbibitbit siya ng armas at ang iba pang hostages sa tuwing sumasalakay ang mga sundalo.

Ilan rin aniya sa mga ito ay kinukumbinse ang pari na magbago na ng relihiyon at lumipat na sa Islam.

Gayunman, paliwanag ni Adiong, hindi kinikilala ng kanilang relihiyon ang sapilitang pag-convert sa kanilang relihiyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.