Dating PBA player, Cris Bolado, patay sa aksidente sa Cambodia

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2017 - 06:34 AM

Nasawi sa aksidente sa Phnom Penh, Cambodia ang dating manlalaro ng PBA na sI Cristiano “Cris” Bolado.

Sa post sa Facebook ng “Inasal Nation” ang Filipino restaurant sa Camboadia na pag-aari ni Bolado, kinumpirma ang pagkasawi ng dating PBA player dahil sa aksidente habang sakay ito ng motorsiklo.

Nakatakdang iuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Bolado at sa Lucban, Quezon gagawin ang lamay.

Hindi naman nilinaw sa Facebook post kung ano ang detalye ng naganap na aksidente.

Gayunman, sa news site na Fresh News Asia, naka-post ang larawan ni Bolado habang sugatan at wala nang malay sa kalsada at ang motorsiklo nito ay nakatumba.

Si Bolado ay nakilala bilang “Jumbolado” sa PBA.

Kabilang sa mga koponan na kaniyang pinaglaruan ay ang Alaska, San Miguel, Coca-Cola, Purefoods at Gordon’s Gin.

Taong 2003 nang magretiro si Bolado bilang PBA player.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cambodia, Cris Bolado, Inasal Nation, Motorcycle accident, PBA player, Radyo Inquirer, Cambodia, Cris Bolado, Inasal Nation, Motorcycle accident, PBA player, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.