Tricycle driver, patay matapos pagbabarilin sa Maynila

By Justinne Punsalang September 17, 2017 - 06:18 AM

Patay sa pamamaril ang isang tricycle driver sa Fajardo Street corner Loyola Street sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang napatay na tricycle driver na si Ariel Baloloy na residente ng naturang lugar.

Ayon kay PO2 Mark Jason Ramos ng Manila Police Community Presinct sa Sampaloc, napag-alaman niya sa kanyang pag-iimbestiga na nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang dumating ang suspek.

Kinilala ito na si Joel Olat, tatlumput apat na taong gulang at kapitbahay ng biktima.

Sinasabing nagalit ang suspek dahil nakaharang umano sa kanyang parking slot si Baloloy.

Lalo pang nagkainitan ang dalawa, na naghudyat para magsuntukan ang mga ito.

Hindi lumaon ay bumunot na ng baril si Olat at pinaputukan ang biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Matapos ang insidente ay tumakbo si Olat papalayo at hanggang sa ngayon ay pinaghahanap ito ng mga otoridad.

TAGS: Maynila, Pamamaril, Sampaloc, Maynila, Pamamaril, Sampaloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.