Ex-Sen. Bong Revilla umaasa na makalalaya na rin

By Den Macaranas September 16, 2017 - 02:58 PM

Photo: VM Janella Ejercito

Umaasa si dating Sen. Bong Revilla na hindi magtatagal ay makalalabas na rin siya mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Kanina ay hindi naiwasan ng dating mambabatas ang maging emosyonal lalo na nang magpaalam na sa kanyang selda ang kaibigan na si dating Sen. Jinggoy Estrada.

Taong 2014 nang makulong sina Revilla at Estrada sa PNP Custodial Center kasama si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Ito ay makaraan silang masangkot sa mga pekeng non-government organization ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Sa paglabas ng kanyang kaibigan sa selda makaraang payagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ay hindi naiwasan ni Revilla ang malungkot.

Habang magkayakap ang magkaibigan ay halatang pinipigil nila ang kanilang emosyon ayon na rin sa pahayag ng mga nasa loob ng PNP custodial center.

Sinabi rin ni Revilla na kung maaari ay maging madalas ang pagdalawa sa kanya ng kaibigan.

TAGS: cam crame, custodial center, Estrada, napoles, plunder, Revilla, cam crame, custodial center, Estrada, napoles, plunder, Revilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.