Magkakasunod na aberya, muling naitala sa MRT

By Mark Gene Makalalad September 15, 2017 - 08:21 AM

Tatlong magkakasunod na aberya sa Metro Rail Transit o MRT line  3 ang naitala umaga ng Biyernes (September 15).

6:57 ng umaga, naantala ang operasyon sa southbound ng Santolan station dahil technical problem.

Makalipas ng ilang minuto o 7:18 ng umaga, nagkaroon din ng technical problem sa southbound ng Shaw Boulevard station, dahil kaya pinababa ng tren ang mga pasahero.

Pasado 7:38 ng umaga naman nang maitala ang technical problem sa northbound ng Santolan Station, dahilan para maabala ang mga mananakay.

Dahil sa magkakasunod na pagtirik, nalimitihan na lamang sa 17 ang tumatakbong tren sa kasagsagan ng rush hour.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT line 3 bunsod ng sunud-sunod na aberya sa mga tren.

 

 

 

 

TAGS: MRT line 3, MRT line 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.