Misis patay, mister sugatan sa pagsabog sa Laoag

By Dona Dominguez-Cargullo, Mariel Cruz September 14, 2017 - 01:44 PM

Patay ang isang ginang habang sugatan naman ang kaniyang mister sa pagsabog na naganap sa kanilang tahanan sa Laoag City.

Nasawi si Noemi Fiesta – 51 anyos habang patuloy pang ginagamot sa ospital ang asawa niyang si Cresencio Fiesta – 55 anyos.

Naganap ang pagsabog sa Barangay 22 sa bahay ng mag-asawa.

Sa pahayag ng mga residente sa lugar, nagulat umano sila nang makarinig ng isang malakas na pagsabog.

Nang lumabas ang isa sa kapitbahay nakita niyang umaapoy ang tricycle ng pamilya Fiesta.

Doon din nila nadiskubreng sugatan ang mag-asawa.

Naisugod pa sa ospital ang babaeng biktima pero binawian din ng buhay.

TAGS: Barangay 22, laoag city, Noemi Fiesta, Barangay 22, laoag city, Noemi Fiesta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.