Konsehal sa Cebu, sugatan sa pananambang

By Mariel Cruz September 14, 2017 - 01:12 PM

Sugatan ang konsehal ng bayan ng Tuburan sa Cebu matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo sa Talamban, Cebu City.

Nakilala ang biktima na si Atty. Renante dela Cerna, 40 years old, na agad na dinala sa pagamutan matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid din na bukod kay Dela Cerna, sugatan din ang habal-habal driver na si Rommel Mante matapos tamaan ng bala.

Sa pahayag ng mga nakasaksi, nakasaad na nakatakbo pa si Dela Cerna ng ilang metro matapos barilin.

Nagawa naman makatakas ng suspek matapos ang pamamaril.

Ayon kay SPO1 Winston Ybanez ng Cebu City homicide investigator, imposibleng may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo sa pamamaril dahil pawang mga kasong sibil lamang ang hawak nito.

 

 

 

 

 

TAGS: Tuburan Cebu, Tuburan Cebu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.