WATCH: 4 arestado sa buy-bust sa QC; mahigit P250K na halaga ng shabu, nasabat

By Cyrille Cupino September 14, 2017 - 12:14 PM

Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado ang apat na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Target ng operasyon ang drug pusher na si Sulaiman Aliman na nangungupahan sa isang bahay sa Road 2, corner Tandang Sora.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, naaresto ang suspect matapos makabili ng 5-libong pisong halaga ng shabu ang isang pulis na posseur-buyer.

Kasamang naaresto ng drug suspect ang tatlong iba pang kasama nito sa kwarto kabilang na ang isang lalaki na sinasabing may-ari ng sinalakay na paupahan.

Nakuha sa suspek ang 13 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may street value na 250,000 pesos, at iba’t ibang IDs.

Aminado naman ang isa sa mga suspect na napag-uutusan siya minsan ng kanyang kapatid na mag-deliver ng droga.

Narito ang ulat ni Cyrille Cupino:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 4 arrested, drugs, ola balara quezon city', 4 arrested, drugs, ola balara quezon city'

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.