Binatilyong mahigit 2 linggo nang nawawala natagpuang patay sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2017 - 11:00 AM

Natagpuang wala nang buhay sa San Jose Del Monte, Bulacan ang 16-anyos na binatilyo na unang iniulat ng kaniyang mga kaanak na nawawala.

Ang biktimang si Michael Angelo Remecio ay nakita sa sapa na nakasilid pa sa sako.

Halos naaagnas na ang katawan ng binatilyo at nakagapos pa ang kamay nang matagpuan ng nangangalakal ng basura sa Barangay Gaya-Gaya.

Ayon sa magulang ng bata na sina Dionisio at Genevie Remecio, noong Agosto 26 pa nila huling nakita ang anak.

Namasada umano ito ng tricycle para may dagdag panggastos ang pamilya pero hindi na nakauwi.

Aminado ang mag-asawa na umiinom at naninigarilyo ang anak pero hindi umano ito gumagamit ng droga.

Agad namang nagsagawa ng DNA test ang pulisya sa Bulacan para matiyak na si Remecio nga ang bangkay.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, Michael Angelo Remecio, missing, Bulacan, Michael Angelo Remecio, missing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.