25 estudyante at guro, nasawi sa sunog sa Malaysia

By Dona Dominguez-Cargullo, Mariel Cruz September 14, 2017 - 09:49 AM

CGTN Photo

Patay ang 25 katao sa sunog na naganap sa isang paaralan sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tinupok ng apoy ang isang religious school sa Jalan Keramat Hujung alas 5:15 ng umaga ng Huwebes.

Ayon sa City Fire and Rescue Department, alas 5:41 nang matanggap nila ang tawag kaugnay sa sunog na naganap sa paaralan.

Sa inisyal na impormasyon, kabilang sa mga nasawi ay pawang estudyante at guro.

Ang paaralan ay para sa mga Islamic students.

Una nang napaulat na nababahala na ang Fire and Rescue Department sa fire safety measures ng mga hindi rehistradong private tahfiz o religious schools sa lungsod.

Simula pa noong 2015, aabot na sa 211 na sunog ang naitala sa Jalan Datuk Keramat.

 

 

 

 

 

TAGS: Jalan Keramat Hujung, Kuala Lumpur, Malaysia fire, Jalan Keramat Hujung, Kuala Lumpur, Malaysia fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.