Taguiwalo at Mariano, hindi naluklok sa puwesto upang kumatawan sa rebeldeng kilusan-Sison

By Jay Dones September 14, 2017 - 04:00 AM

 

Walang opisyal na kasunduang nabuo sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP at administrasyong Duterte kahit pa man nakapasok sa gabinete nito si Sec. Judy Taguiwalo at Sec. Mariano.

Ito ang naging tugon ni NDFP founding chair Jose Ma. Sison sa kanyang facebook account na nagku-komento sa isang libro ukol sa unang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang komento, sinabi ni Sison na kahit kailan ay hindi naluklok sa puwesto sina Taguiwalo at Mariano upang kumatawan sa CPP-NPA-NDFP.

Ang mga ito aniya ay sadyang mga makabayan at karapat-dapat na mga opisyal na indibidwal na karapat-dapat na makapagsilbi sa sambayanan.

Noon pa man aniya ay kanya nang sinabi sa pangulo na hindi tatanggap ng puwesto ang sinumang miyembro ng CPP-NPA-NDFP hangga’t hindi natatapos ang giyera sibil at magkaroon ng maayos na lalutasan ang mga problema sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.