PAO, iginiit na sinadya ang pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz

By Kabie Aenlle September 14, 2017 - 04:37 AM SHARE(S):

 

Photo: Prosecutor Darwin Cañete

Nanindigan ang Public Attorney’s Office (PAO) na sinadya ang pagkakapatay sa binatang si Carl Angelo Arnaiz.

Base sa forensic report na hawak ng PAO, tatlong senyales ang nakita nila sa bangkay ni Arnaiz na nagpapatunay nito.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe na pinuno ng foreinsic laboratory ng PAO, nakitaan ng mga senyales ng pagkaka-bugbog ang mukha at ilang bahagi ng katawan ni Arnaiz.

Maliban dito, nakitaan rin nila ng mga marka ng posas ang mga kamay ni Arnaiz, at base sa mga natamong tama ng bala sa katawan nito ay lumalabas na dalawang suspek ang pumatay sa kaniya.

Ayon kay Erfe, lima ang natamong tama ng bala ni Arnaiz, tatlo sa dibdib, isa sa tagiliran at isa sa braso.

Dahil dito, sasampahan ng double murder sina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita ng Caloocan Police na nagsabing pinaputukan sila ni Arnaiz kaya nila ito ginantihan ng putok.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.