Death toll sa paghagupit ni Irma, umabot na sa 69

By Rhommel Balasbas September 14, 2017 - 04:27 AM

 

Walo pa ang nasawi kabilang ang limang nakatatanda mula sa isang nursing home sa Florida Keys dahil sa pananalasa ng Hurricane Irma.

Ayon sa mga awtoridad, aabot na sa 69 ang kabuaang bilang ng death toll dahil sa pagbayo ng sinasabing isa sa pinakamalakas na Hurricane na nabuo sa Atlantic Ocean.

Apat na milyong katao ang apektado ng pagkawala ng kuryente sa apat na states kabilang na ang isang nursery home sa Florida kung saan limang elderly ang namatay.

Ayon sa pulisya, dalawa ang natagpuang patay sa nursery home habang ang tatlo ay sa ospital na binawian ng buhay.

Dahil sa power outage sa rehiyon, apektado ang kalusugan ng mga matatanda dahil sa kawalan ng matinong air-conditioning.

Ayon kay Police Chief Thomas Sanchez, kailangang maibalik agad ang kuryente at mailipat ang mga bata at matatanda sa mas ligtas at kumportableng lugar.

Nasa 25 percent ng mga kabahayan ang completely destroyed dahil sa bagyo habang 65 percent naman ang nakaranas ng major damages ayon sa mga opisyal.

Nakatakda namang bumisita si US President Donald Trump sa rehiyon ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.