Mga kaso ng Japanese Encephalitis sa bansa, mahigpit na minomonitor ng Malacañang

By Rhommel Balasbas September 14, 2017 - 02:34 AM

 

Siniguro ng palasyo sa publiko na mahigpit nitong binabantayan ang mga napaulat na kaso ng Japanese Encephalitis sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, bantay-sarado nila ang posibleng pagdami ng kaso ng sakit lalo pa’t posible ito dahil sa maulang panahon.

Lumalaki ang populasyon ng mga lamok kapag maulan kung saan may mga nakaimbak na tubig na maaaring pag-itlugan ng mga lamok.

Hinikayat ni Abella ang mga lokal na pamahalaan na agad na iulat ang mga pinagsususpetsahang kaso ng sakit.

Tiniyak din ni Abella na kasalukuyan ng gumagawa ng paraan ang Department of Health para maidagdag ang vaccination para sa Japanese Encephalitis sa mga mandated at available na bakuna sa susunod na taon.

Nauna nang nagpaalala ang DOH sa publiko na magsagawa ng preventive measures para makaiwas sa naturang mosquito-borne disease.

Siyam na ang kasalukuyang nasasawi dahil sa sakit, mas mababa ng apat kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.