Bata patay sa pagsalpok ng sinasakyang tricycle sa isang kalabaw sa Pangasinan

By Kabie Aenlle September 14, 2017 - 04:28 AM SHARE(S):

 

File photo

Nasawi ang isang dalawang taong gulang na bata, habang sugatan naman ang kaniyang lolo at lola matapos bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa isang kalabaw sa Bani, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Sophia Pamo, na bumibiyahe kasama ng kaniyang lola na si Marina Catabay sakay ng tricycle na minamaneho ng kaniyang lolo na si Cresencio Catabay.

Binabagtas nila ang kalsada sa Barangay Banog Norte alas-8:00 ng gabi, nang bigla na lang silang makabangga ng kalabaw sa may gilid ng kalsada.

Bumaliktad ang tricycle na sinasakyan ng tatlo, dahilan para maipit at madaganan ang bata at ang kaniyang lola.

Ayon sa pulisya, walang head light ang tricycle ni Cresencio at gumamit lang ito ng flashlight habang bumibiyahe.

Binawian ng buhay si Pamo habang dinadala siya sa San Juan Medical Clinic.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.