Mayor na naakusahang narco-politician ni Pangulong Duterte, magpapagamot sa abroad

By Rhommel Balasbas September 14, 2017 - 04:28 AM

 

Magpapagamot sa ibang bansa si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog dahil sa kaniyang sakit na diabetes.

Ito ang sinabi ng tagapagsalita ng alkalde na si Atty. Mark Piad ng makapanayam ng media.

Ani Piad, mayroong Diabetes Mellitus Type 2 si Mabilog na lubhang naaapektuhan ng stress na nakukuha nito sa ngayon.

Matatandaang hindi pa napapaulat na nakabalik na sa bansa mula sa Japan at Malaysia si Mabilog na napaulat na dumalo sa seminar.

Naka-sick leave anya si Mabilog simula pa noong Sept. 11 na aabot hanggang sa katapusan ng buwan.

Kinumpirma naman ni Iloilo City Human Resource Department (HRD) Head Leo Elevencione na natanggap niya ang leave application ni Mabilog.

Gayunpaman, sinabi ni Elevencione na sa ilalim ng Section 47 ng Local Government Code ay kinakailangan munang maaprubahan ng Office of the President o ng Department of Interior and Local Government Secretary ang leave ng mayor.

Iginiit naman ni Piad na walang plano na tumakas ang alkalde at kailangan lang nitong magpagaling.

Si Mabilog ay inaakusahan ni Pangulong Duterte na isang narcopolitican at makailang ulit na nakwestyon dahil sa kanyang mala-palasyong bahay.

Samantala, kamakailan lamang ay nagsabi si Piad na nakaplano na talagang magleave si Mabilog dahil apektado na ito ng mga akusasyon ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.