Mag-resign na sa gobyerno kung hindi sang-ayon sa polisiya ni Duterte-Sotto

By Jay Dones September 14, 2017 - 04:05 AM SHARE(S):

 

Kung hindi ka sang-ayon sa mga polisiya ni Pangulong Duterte, magbitiw ka na sa puwesto.

Ito ang hamon ni Senate Majority Leader Tito Sotto sa Commission on Human Rights.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Sotto na bago punahin ng CHR ang mga polisiya ng liderato ng administrasyon, dapat munang magbitiw sa gobyerno ang mga ito.

Sa oras na kumalas na ang mga ito sa pamahalaan, ay maari na nitong gawin ang nais nito at punahin ang anumang mapapansin nitong pagkakamali sa pamahalaan.

Giit pa ng senador, sadyang hindi magugustuhan ng mga mambabatas kung patuloy na binabanatan ng CHR ang mga polisiya ng liderato.

Dapat din aniyang alamin ni CHR Chairman Chito Gascon kung nakakatulong pa ito sa ahensya o nagiging balakid na sa operasyon nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.