VACC tanggap ang pagkakabasura sa impeachment complaint kontra Sereno

By Alvin Barcelona September 13, 2017 - 07:51 PM SHARE(S):
Photo: Radyo Inquirer

Tanggap na ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang pagbasura sa Kamara de Representantes sa impeachment complaint nito kontra kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ayon kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez, alam nila na hindi sila palaging mananalo at minsan ay natatalo sa kanilang mga isinasampang kaso.

Bagamat aniya nakitaan ng mga kongresista ng substance ang kanilang impeachment complaint, nalulungkot ito dahil kulang daw ito sa required na “form”.

Photo: Radyo InquirerUmaasa na lamang sila na uusad ang impeachment complaint na isinampa ni Atty. Larry Gadon laban  sa Chief Justice na nakitaan ng House Justice Commitee na sufficient in form and substance.

Nilinaw rin ng VACC na walang kinalaman ang pulitika sa kanilang inihaing reklamo kay Sereno.

TAGS: Chief justice, gadon, Jimenez, Sereno, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.