WATCH: Isa ang sugatan sa sunog sa Paco Maynila

By krizha Soberano September 13, 2017 - 02:56 PM

Kuha ni Krizha Soberano

Isang bumbero ang nasugatan sa sunog na naganap sa Linao St. Paco, Maynila.

Agad na binigyan ng paunang lunas si FO3 Marlon Podolig ng Manila Fire Department matapos mabagsakan ng mga nalusaw na plastik mula sa nasunog na Cligan mart.

Ayon kay Chief Inspector Crossit Cante ng Manila fire, nahihirapan silang apulahin ang apoy dahil may mga alak at alkohol ang bodega sa ikatlong palapag na pinagmulan ng sunog.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula.

Narito ang ulat ni Krizha Soberano:

TAGS: Paco Maynila, sunog, Paco Maynila, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.