Bangkay na pinaglalamayan sa Cainta, Rizal hindi tuli habang si Kulot ay tuli – PNP

By Chona Yu September 12, 2017 - 04:00 PM

Kuha ni Rod Lagusad

Bukod sa hindi pagtutugma ng DNA test, ibinunyag ngayon ng Philippine National Police (PNP) na hindi tuli ang bangkay na pinaglalamayan ngayon sa Cainta, Rizal na una nang inaangkin ng mag-asawang Eduardo Gabriel at Lina De Guzman na anak nila na si Reynaldo De Guzman alyas Kulot.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, base ito sa pagsusuri na ginawa ng PNP sa bangkay.

Dagdag ng opisyal, base sa pahayag ng mga kapatid ni Kulot, nagpatuli na ang kanilang kapatid noong dose anyos pa lamang.

Ayon kay Carlos patunay ito na hindi ang bangkay na narekober sa Gapan, Nueva Ecija na tadtad ng mahigit dalawampung saksak ang anak ng mag asawang Eduardo at Lani.

Una rito, sinabi ng PNP na hindi nagtugma ang DNA test ng bangkay sa mag asawang Eduardo at Lani.

Sa ngayon tuloy ang paghahanap ng PNP kay Kulot na una nang naiulat na nawawala kasama ni Carl Angelo Arnaiz na napatay sa isang police operation sa Caloocan city matapos mangholdap ng isang taxi driver.

TAGS: cainta, Dionardo Carlos, dna test, kulot, PNP, Reynaldo de Guzman, Rizal, cainta, Dionardo Carlos, dna test, kulot, PNP, Reynaldo de Guzman, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.