Magkapatid patay sa landslide sa Taytay, Rizal

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2017 - 10:36 AM

Red Cross Photo

Patay ang magkapatid na lalaki matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay sa Barangay Dolores, Taytay Rizal.

Ang magkapatid na sina Jude Pundal, 17 anyos at Justil Pundal, 14 anyos ay nasa loob ng kanilang bahay sa Hapay na Mangga, Barangay Dolores, nang maganap ang landslide alas 4:00 ng madaling araw ng Martes.

Magdamag na inuulan ang lalawigan ng Rizal dahil sa bagyong Maring.

Ayon kay Elmer Espiritu, pinuno ng Taytay City Disaster Risk Reduction and Management Office, bago pa ang insidente ng landslide, nag-ikot na sa lugar ang mga tauhan ng barangay para hikayatin ang mga residente ng lumikas.

Ang pamilya Pundal ay kabilang sa mga informal settler na naninirahan sa gilid ng creek sa nasabing barangay.

Dahil sa insidente, nagpatupad na ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan ng Taytay sa mga lugar na itinuturing na delikado sa pagbaha at landslide.

 

 

 

 

 

 

TAGS: landslide, Radyo Inquirer, taytay rizal, landslide, Radyo Inquirer, taytay rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.