Pasok sa lahat ng korte sa NCR, Region 3, at Region 4-A, suspendido na rin

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2017 - 06:55 AM

Supreme Court | Inquirer File Photo

Wala na ring pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila, Region 3 o Central Luzon at sa Region 4-A o CALABARZON.

Sa anunsyo ng Supreme Court – Public Information Office, sakop ng suspensyon ang lahat ng lower courts, ang Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals sa tatlong nabanggit na Rehiyon na apektado ng bagyong Maring.

Sinabi ng SC ito ay kasunod na rin ng abiso ng PAGASA na maaaring makaranas ng pagbaha bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Dahil dito, wala munang tatanggaping transaksyon sa nabanggit na mga korte ngayong araw.

Samantala, wala na ring pasok sa Senado ngayong araw. Habang may pasok naman sa Kamara at tuloy ang kanilang budget hearing.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: court of appeals, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Supreme Court, work suspension, court of appeals, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Supreme Court, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.