Ilang miyembro ng Maute Group, nais nang sumuko

September 12, 2017 - 02:53 AM

 

Nagpapahiwatig na ang ilang miyembro ng Maute Group sa pwersa ng pamahalaan ng kanilang pagnanais na sumuko na.

Ayon kay Col. Romeo Brawner na tagapagsalita ng Task Force Ranao, inaasahan nilang mayroon nang mga susuko sa mga susunod na araw.

Ito’y matapos silang manawagan sa mga terorista na isuko na ang kanilang mga sarili para mailigtas rin ang kanilang buhay.

Maari anila itong gawin ng mga terorista sa pamamagitan ng pagpapalit ng damit mula sa itim na lagi nilang suot, at pagtungo sa isang partikular na lugar na itinalaga ng pwersa ng gobyerno.

Bagaman hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye, nakatitiyak si Brawner na mayroong mga nagpapadala na ng “feelers” sa kanila.

Matatandaang mariing tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagkasundo sa Maute Group, kahit pa umabot sa taon bago tuluyang mabawi ang Marawi City mula sa mga terorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.