VIRAL: Storm chaser, halos makaladkad ng hurricane Irma; Florida patuloy na binabayo ng bagyo

By Jay Dones September 11, 2017 - 04:20 AM

 

Twitter/@JustonStrmRider

Viral ang Twitter post ng isang ‘stormrider’ sa Amerika matapos nitong ipakita kung gaano kalakas ang nararanasang hangin sa gitna ng pagsagasa ng hurricane ‘Irma’ sa Florida Keys sa Florida state.

Sa kanyang post, makikita si Justin Drake na biglang lumabas sa kanyang sasakyan at sinisikap na tumayo sa labas kahit malakas ang hangin at ulan.

Dahil sa hangin, muntikan pang matumba at makaladkad si Drake bago ito nakakuha ng balanse at makabangon.

Gamit ang isang instrumento, nakuha ni Drake ang sukat ng bilis ng hangin na dala ng hurricane Irma na umaabot sa 112 miles per hour o 188 kilometers per hour.

Dagdag ni Drake, ang hurricane Irma na pinakamalakas na uri ng bagyo na kanyang naranasan sa kasalukuyan.

Samantala, bagamat bahagyang humina na sa category 3 hurricane ang bagyong Irma, patuloy pa rin itong naghahatid ng pinsala sa Florida.

Maraming mga puno na ang nabuwal samantalang ilang lugar naman sa baybayin ang nakararanas na ng storm surge sa kasalukuyan.

Dahil sa epekto ng bagyo, milyun-milyong residente ng Florida ang pinalikas ng lokal na pamahalaan.

Milyong residente rin ang walang suplay ng kuryente sa kasalukuyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.