Beermen, pinatikim muli ng talo ang Ginebra

By Rhommel Balasbas September 11, 2017 - 04:18 AM

 

Mula sa PBA

Pinatikim muli ng talo ng San Miguel Beermen ang leading team na Barangay Ginebra San Miguel sa kakatapos lang na laban nila kagabi para sa 2017 PBA Governors’ Cup.

Mainit ang naging labanan na nagtapos sa iskor na 107-103 pabor sa San Miguel.

Bagama’t bagong import, pinabilib ni Terrence Watson ang mga manonood matapos magtala ng 28 points at 17 rebounds upang pangunahan ang Beermen.

Malaki ang lamang ng Beermen sa Ginebra sa 1st half na umabot pa sa 23 points ngunit nagsimulang uminit sina Japeth Aguilar at Kevin Ferrer sa 4th quarter at ibinaba ang lamang sa 8 puntos sa iskor na 101-93 higit isang minuto na lang ang natitira.

Hindi naman pumayag si Alex Cabagnot na maagaw ng Ginebra ang spotlight at nagpaulan ito ng anim na puntos sa huling isang minuto at tinapos ang laban.

Dahil sa panalo, tumaas ang standing ng Beermen sa 4th place kapantay ang Talk N Text sa iskor na 5-3 win-loss card.

Samantala, nangunguna pa rin naman ang Ginebra ngunit ka-tie na rin sa pwesto ang NLEX sa iskor na 7-2 win-loss card.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.