Operasyon ng rehab centers, kakaltasan ng P2 bilyong pondo sa 2018

By Kabie Aenlle September 11, 2017 - 04:25 AM

 

Inquirer file photo

Tumaas ng siyam na porsyento ang panukalang budget na ilalaan para sa Department of Health (DOH) sa susunod na taon, dahil mula sa P151.3 bilyon, magiging P164.8 billion na ito.

Gayunman, tataas man ang kabuuang pondo, makakaltasan naman ng mahigit P2 bilyon ang perang ilalaan para sa operasyon ng mga drug abuse treatment and rehabilitation centers para sa 2018.

Mula kasi sa dating P3.08 billion, paglalaanan na lang ng P759.6 million ang mga rehab facilities na pinangangasiwaan ng DOH.

Kinwestyon naman ito ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, dahil aniya, kung totoong sakit ang drug addiction, tila hindi yata tama ang ipinanukala ng mga health officials.

Ayon kay Recto, sinabi ng DOH na magmumula sa private donations ang iba pa nilang kakailanganing pondo.

Pero iginiit ng senador na dapat ay makapagbigay muna ang DOH ng listahan kung saan nila kukunin ang replacement funds dahil masyadong malaki ang kailangan nilang punan kung sakali.

Ani Recto, ang nakarating sa kaniyang paliwanag dito bagaman hindi pa opisyal, ay dahil mga pribadong donors na ang bahala sa pagpapatayo ng mga mega drug rehab centers.

Sa kabila nito, nababahala pa rin ang senador dahil bagaman gagastusan ng mga donors ang mga pasilidad dahil hindi malinaw kung saan kukunin ang pondo para sa pagsasanay sa mga empleyadong tatao sa mga ito.

Giit ni Recto, hangga’t ang polisiya ng pamahalaan ay “save the users” at hindi “salvage the users,” obligasyon ng gobyerno na tulungan ang mga sumusuko at nais mag-bagong buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.