Krimen at terorista, pupulbusin upang umunlad ang Mindanao-Duterte

By Rhommel Balasbas September 11, 2017 - 04:26 AM

 

Pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagpulbos sa mga terorista at iba pang grupong naghahasik ng lagim sa Mindanao upang umunlad ang rehiyon.

Ito ang pangako ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa katatapos lamang na 26th Mindanao Business Conference.

Ayon sa pangulo, nagiging sagabal sa pag-unlad ang kawalan ng kapayapaan at ipinangakong uunlad muli ang Marawi kasabay ng buong rehiyon.

Anya, nasasayang ang pagsusumikap ng administrasyon na mai-promote ang kalakalan, pamumuhunan at pagnenegosyo sa Mindanao dahil walang katiyakan ang “peace and stability.”

Ilan din sa mga gagawing hakbang ay pagpapagawa ng mga bagong kalsada at highways na may budget na 19.4 bilyong piso, mas mataas ng 185.6 porsyento sa kasalukuyang budget na 55.4 milyong piso.

Ang mga infrastructure projects na gagagawin ay bahagi ng Build, Build, Build program ng gobyerno ayon kay Duterte.

Samantala, sinabi rin ng pangulo na naghahanda na ang pambansang pamahalaan para sa implementasyon ng Marawi City Rehabilitation and Reconstruction Plan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.